Wednesday, September 3, 2014

Wikang Filipino: Wika ng Pagkakaisa

Agosto, ito ang buwan na ating ginugunita ang Buwan ng Wika. At taon-taon natin itong ginagawa. Sa taon na ito, ang tema natin para sa selebrasyong ito ay "Wikang Filipino: Wika ng Pagkakaisa."

Napakaganda nga naman ng temang ito. Hinihikayat tayo na dapat nating gamitin ang pambansang wika natin. Dapat marunong tayong gamitin ang wikang ito dahil mahalaga at napakarami ang maidudulot nito sa atin. Kagaya ng malinaw at magandang komyunikasyon. Alam naman natin na hindi lang Filipino ang wika nating mga Pilipino. Kaya't dahil sa iisang wika (Wikang Filipino) nagkakaintindihan ang bawat isa. Sa paggamit natin ng wikang Filipino, mas naipapahayag natin ng mabuti kung ano man ang gusto natin sabihin at kung ano ang nararamdamin natin at mas lalo pa tayong naiintidiha ng mga kapwa natin. Dahil nagkakaunawaan tayo, nagkakadugtung-tugtong ang bawat ideya natin kaya't nagagawa tayo ng magagandang bahay. Dahil din sa wikang ito, nagkakaroon tayo ng pagkakaisa sa bawat isa.

Madali lang naman na intindihin ang wikang Filipino. Bakit pa natin ginagamit ang wika ng mga dayuhan kung may sarili din tayong wika? Ang pagmamahal natin sa ating wika ay parang pagmamahal din natin sa sarili nating buhay. Dapat natin itong pahalagahan at ngatan.

Gaya nga sa sinabi ng ating Pambansang bayani, Dr. Jose Rizal, "Ang  hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda."

No comments:

Post a Comment